Sunday, 18 June 2017

Sandali lang oh!

Alam ko namang walang tayo
Alam na alam ko rin na di pwede ang iniisip ko
Ang saklap lang isipin na sa lahat ng tao
Ikaw pa tong’ nagustuhan  ko

Sabi nga nila, di mo matuturuan ang puso
Kasi kung pwede lang talaga
Matagal ko nang sinabing na tama na
Ayawin mo na

Pero wala e,
Hanggang sa ngayon umaasa parin ako sa
Walang kamatayang pagaakala na mamahalin ako ng isang
Taong tulad mo.

Sana naman kahit isang saglit
Sa huling pagkakataon man lang
Hayaan mong masabi ko ang nilalaman ng damdamin ko

Kahit saglit lang pakinggan moko.

Kay Hirap naman ng Gusto mo

Sinabi mo diba, mahal mo ko
Nanggaling pa nga mismo sayo
Mga salitang kay tagal kong hinintay
Pero tunay nga ba at totoo?

Nasaan ka ngayon?
Kapiling ang totoo?
Pano nako, Pano ako?
Pano yung mga salitang binitiwan mo?

Sabi mo mahal moko
Tapos bigla mong sasabihing kalimutan na kita
Na tigilan na kita
Pano ko susundin ang gusto mo?

Paano ko sasabihin sa sarili
Na Itigil na ang nararamdaman
Kung ang pag-ibig ko sayo

ang siyang bumubuhay.

Monday, 29 May 2017

THE BRIDGE TO YOUR HEART

The way to your heart was undefined;
But I uttered to myself It was fine;
Regardless of how rough the road is;
Just wait for my soul please.

You were wondering where I was;
Until you found someone you thought He must;
Pondering why happiness was incomplete;
Until I touched your hands and finally we’ve meet.

My heart is full of undenying joy;
And my life is delighted and says Rejoice!;
Knowing after walking the path towards you
It’s worth  waiting for and eventually I say I do.

The journey of finding you is too difficult;
But The bridge of your heart said I could;
Thanks to God, I sing merrily;

The ever loving author of our love story.

K DRAMA O AKO?

Oh anong meron sa kanya na wala ako?
Bakit mas marami ka pang oras sa kanya kesa saken?
Sa tuwing magkasama tayo, lagi mu syang inuuna;
Ni hindi mo na nga ako napapansin dahil sa kanya.

Ganyan ba talaga siya kaimportante sayo?
Na kahit mismong ako, natatalikuran mo.
Ano ba ko sayo? Ano ba siya sayo?
Ganun ba kahalaga yung tingin mo sa kanya?

Pag magkasama kayo wala kang naririnig sa aken.
Pag kaharap mo sya, ni di ako makakibo:
Pag andyan na sya, di mo na ko kakausapin.
Yung totoo sinong mas mahal mo? Siya o ako?

Nagseselos? Hindi no?
Hindi ako nagseselos, Selos na selos.
Ngayon mamili ka..

Korean Drama o ako???

SA TUWINA

SA TUWING AKO’Y MAGKAKAMALI
TANONG SA SARILI BAKIT NA LANG LAGI
PAGKAKAMALI DI KO MAIWASAN
SANA HUWAG MAPAGOD ANG PUSO SA AKIN.

SA TUWING ALAM KONG NAG-IISA KA
DALANGIN KO SA MAY KAPAL LAGI’Y GABAYAN KA;
OH KUNG ANONG HIRAP NG MAG-ISA
LALO NA’T MALAYO SA PAMILYA.

SA TUWING NALULUNGKOT KA,
OH ANONG HIRAP SA AKIN ANG MAKITA KANG GANYAN;
KAYA PAG’ ALAM KONG SOBRANG LUNGKOT MONA
SANA MAIPADAMA NG YAKAP KO NA ANDITO LANG AKO PARA SAYO.

SA TUWING MAGKASAMA TAYO,
OH ANONG SARAP ANG MAHAGKAN AT MAYAKAP;
YUNG MAHALIN KA NG TAONG MAHAL KA
OH ANG SARAP SA PAKIRAMDAM.

SA ANO PA MANG SITWASYON, MAHIRAP MAN O MASAKIT,
MASAYA MAN O NAKAKALUNGKOT, SA PAG-IISA MAN O PAGSASAMA
ASAHAN MONG ANDITO LANG KAMI PARA SAYO
AKO AT PUNDASYON NG RELASYON NATO.


Saturday, 29 April 2017

Okay nga ba?

Okay namang mag-isa, malungkot nga lang.
Okay naman mag-isa, kakayanin naman.
Pero parang mas masarap parin pag may kasama.
Yung sasamahan ka hanggang sa huli
Yung sasamahan ka hanggang sa dulo.

Pero, bakit ganon?
Bakit may mga taong nag-iisa at walang kasama?
Nasaan na yung taong nakalaan para sa kanila?
Wala ba talagang nakalaan o choice lang nila?

Pero sabi nila, pag dumating siya,
Wala ka naman magagawa eh,
Choice mo man o hinde, pag dumating ang tamang tao
May makakasama ka.

Pero pano sila?
Silang hanggang ngayon, wala pa rin?
Anong nangyare sa taong nakatadhana para sa kanila?
Nawala na ba o wala lang talaga?

Kailangan ba talagang may makakasama ka hanggang pagtanda?
Kailangan ba talaga ng isang taong makakaramay mo hanggang sa huli?
Pero pano sila? Pano kame? Paano na tayo? Paano ako?
Tayong hanggang ngayon nag-iisa
Mapagtatagumpayan ba naten ang lumbay at lungkot ng mag-isa?

When Everybody sees you Strong

Bakit ganon, ginagawa ko yung mga bagay na di ko gusto at hindi ko kayang magawa ang mga bagay na gusto kong gawin. Hanggang kailang ko matiis na pagtitiisan ang mga bagay na ito. Pagod na pagod nakong harapin ito ng mag-isa.


GALIT ANG UNTI UNTING BUMUBUO SA BASAG KONG PUSO